<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/14949069?origin\x3dhttp://deisonline.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Spit Hole...

Friday, December 09, 2005

2:10:00 AM



Nervous Breakdown

che-che bureche



I am almost there.

Thought I've gone through enough.

Ibang klase ang pinadaanan ko nitong nakaraang lingo.Sobra.Para syang isang echo na hanggang pagtulog ay naririnig ko.Isa isang umukilkil sa bawat sulok ng aking kaisipan.Hindi ko alam kung anong unang iisipin ng utak ko.Labis na.

Weekend - pumasok ako sa review class.Mahirap tanggapin pero pumasok lang talaga ako.Ni hindi ako nakapagbasa o nakapagsagot ng mga idi-discuss sa araw na un.Nakikinig lang talaga ako.Hindi ko alam kung maswerte pa ko at kahit papaano ay nakaka-relate ako sa halos lahat ng topic.May mangilan-ngilang diskusyon na para akong isang alien.Masakit pa rin sa kalooban.O pini-pressure ko lang ang sarili ko - "dapat lang" sabi ko sa sarili ko.

Monday - handa na ang aking kalooban na magiging busy sa araw na ito at sa mga susunod pa. Understandable dahil month-end closing. Ngarag pero manageable, lagi namang ganito pag closing e. Pero may sorpresa palang nag-aantay sa kin sa araw na ito.

Isang kaswal na paglapit ni ms. lalaine tungkol sa professional expense ng bti japan na sa tingin ko naman ay nasagot ko ng maayos. Maya-maya, tumawag ang tander. Blah,blah,blah,blah,,,,,mga katagang isang lamang ang pinatunguhan - isa akong irresponsible and mindless accountant!

Minsan, instinct na natin ang mag self defense.Ipagtanggol ang sarili sa abot ng ating makakaya. Ganon ang naramdaman ko sa unang minuto ng aming pag-uusap.Na-realize ko ang dragon nga pala ang nasa kabilang linya.Maaring ko munang isantabi ang kaisipang ito at magbingi-bingihan na lamang.Maya-maya,marahan kong narining ang "click".Naibaba na nya ang awditibo.

Papalapit ako sa aking upuan, hindi ko alam kung matatawa ako o matatakot o maaawa sa sarili ko.Basta alam ko, nabwiset ko sya.Achievement ko na un.

At dumaan ang oras at mga araw na ganon lagi hanggang nung wednesday. Nalampasan ko sya pero naka-ukit pa rin sa aking pagkatao na may isang katulad nyang bwiset syang matanda sya ang dumaan sa buhay ko.

Hindi lang sya.Marami pang taga ibang department na talaga namang sumubok sa tatag ng pagkatao ko. Isang taga-IBD - pretty naman and her name is Maricar Carandang. Nasa isang mainit na diskusyon kami sa telepono (kasabay ito ng dilemma ko sa taas) ng bigla nyang sinabi "pinagugulo mo lang cherry e, tutuktukan kita e"....Tumaas ang kilay ko?!Putang-ina, kahit na sinong nilalang walang karapatang tuktukan ako maliban lang sa nanay ko!Ninais kong ipagwalang bahala muna lahat ng good manners na natutunan ko pero hindi...hindi sya ang tipo ng taong mapapahiya kung hahamunin ko ng suntukan.Dapat ibang strategy.Sa mga salita nyang iyon, ang sagot ko ay "hindi magulo,hindi ko pinagugulo...hindi mo lang kse naiintindihan kaya sinasabi mong magulo!" Sabay dirty finger sa receiver.

Tapos nandito ang sgv,kpmg and ang internal audit.Kulang na nga lang ay ang COA (Commission on Audit) ang pumunta rito e. Tanong dito, tanong doon.

Tapos telepono..aaaahhhhhh! Wag ka ng mag-ring....

Heto pa,uuwi ako ng hindi ako kinakausap ng asawa ko dahil nung sunday nakita nya ung text ng ka-chatmate kong atty.Kung paano ay sa ibang input na lang.

Sana kaya kong kantahin ang "5 years" ng Sugar Hiccup.Ma-release ko lang lahat ng ito.


Anonymous Anonymous @12/11/05, 12:26 PM said...

astig. a very nice way to greet a week. jk.

what can i say? d usual stuff?

try not to be sensitive?
pasok sa isang tenga, labas sa kabila?

just do what u have to do. life sucks. there r people who r incompetent, who blames others so they can feel better about themselves.

hmmm... isa na ata ako dun? heheh.
cheer up!

ps. u r naming names. i googled it. guess what d result was...

 
Blogger Anne @12/11/05, 9:47 PM said...

grabe. antindi Che. di ko akalain...

di ko akalaing ang haba nito. hehe. joke lang. pinapatawa lang kita.

seriously, antindi nga. pero feeling ko nakaganti ka naman silently. ;)

nagka prob din ako sa ofc. i shared it with dha. ini-mail ko sa kanya. pero, ok naman na dito.

che, cliche man pero lam ko kaya mo yan! ;)

about the atty. ewan ko sayo bahala ka. tigas ng ulo mo! pagdating dyan, di mo ko kakampi.

 

-----------------------------------------


@>--- Care to be adventurous and leave a mark?

@>--- Back to the Main Road

random thoughts

Sweet is the memory of distant friends! Like the mellow rays of the departing sun, it falls tenderly, yet sadly, on the heart.

~Washington Irving

TRAVELS

  • Feeling Good!
  • shang shame
  • Foo Fighters' Resolve Video
  • HURT
  • I.M.'s (11-28-05)
  • T-Day
  • November 25, 2005
  • i love this child
  • Palpak Shots!
  • Reason Enough
  • Current Adventure!
  • DACS

    contact >> ♥ us ♥

    OUR.TIME

    Los.Angeles Manila

    mood

    blogroll

  • Tales of A Yearning Mother
  • Dubai Chronicles
  • JaNeP
  • Whitherquick
  • WAT DAT? ~ Francis Brew
  • Dolly Rock Muse ~ Niña S.
  • FrancisM
  • BulletProof Vest
  • Dodobird
  • The Mighty Dacs
  • The Chronicles of Sam
  • Jim Paredes
  • Julien's Photoblog
  • Digital Photography School
    Luis Liwanag's
  • Shots From The Streets
  • Street Documentaries
  • layout

    DAX


    [ps brushes]: [credits]: Urban.Faery

    Powered by Blogger

    Posts (Atom)